“MINAHAL KITA”- SI KRISTO SA PANIG NG ANAKPAWIS

(๐˜ฟ๐™ž๐™ก๐™š๐™ญ๐™ž ๐™๐™š โ€“ ๐˜ฝ๐™ค๐™ค๐™  ๐™ค๐™› ๐™๐™š๐™ซ๐™š๐™ก๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ 3:9) Sa paglulunsad ng Labor Consultative Assembly na inisyatiba ni Bishop Gerardo โ€œGerryโ€ Alminaza, Pangulo ng Caritas Philippines, ipinaalala sa Simbahan at sa sambayanan ang isang mahalagang katotohanan: ang paggawa ay hindi lamang usaping pangkabuhayan. Ito ang araw-araw na larangan kung saan nasusukat kung ang dignidad ng tao ay iginagalang o niyuyurakan.

Sa harap ng halos 500 lider-manggagawa at kasapi ng mga unyon, iniugnay ni Bishop Alminaza ang paninindigan ng Simbahan sa pariralang biblikal na ๐——๐—ถ๐—น๐—ฒ๐˜…๐—ถ ๐—ง๐—ฒโ€”Latin para sa โ€œMinahal Kitaโ€ (Pahayag 3:9).

Ang mensaheng ito, aniya, ay lalo nang nakatuon sa mga manggagawang nabubuhay sa kawalan ng katiyakan, sa mga itinataboy sa laylayan ng lipunan, at sa mga nakararanas ng pagsasamantala.

Paalala ito na ang kanilang dangal ay nagmumula sa Diyos at hindi sa halaga ng sahod o tubo ng merkado. Sa salitang โ€œMinahal Kita,โ€ malinaw ang puso ni ๐Š๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ: hindi Siya nananatiling tahimik sa harap ng hirap ng Kanyang mga anak.

Bishop Gerardo โ€œGerryโ€ Alminaza, Pangulo ng Caritas Philippines

Siya ay nakikiisa sa dukha, sa kontraktwal, sa mababa ang sahod, at sa babaeng manggagawang pasan ang bigat ng trabaho at pamilya. Ang preferential option for the poor ay hindi lamang panawagan ng awa, kundi isang paanyaya sa buong Simbahan na pumili ng panigโ€”panig ng katarungan at panig ng mga inaapi.

Hindi dapat ituring ang mahihirap bilang simpleng tumatanggap ng tulong. Sila ay kapwa tagapagmana ng Ebanghelyo at kabahagi sa misyong mapalaya ang lipunan mula sa kasalanan ng kasakiman at kawalang-malasakit.

Sa pabrika, sa piketlayn, at sa mga pamayanang maralita, patuloy na naglalakad si Kristo kasama ng Kanyang bayan.

Tila ang sistemang umiiral ay mas inuuna ang tubo kaysa buhay, at kapakinabangan ng iilan kaysa kapakanan ng nakararami, ay sugat sa katawan ng sangkatauhan at kasalanan laban sa Diyos.

Ang kontraktwalisasyon, sahod na hindi sapat para sa disenteng pamumuhay, at ang pagkait sa karapatang magbuklod bilang unyon ay mga makabagong anyo ng pagdurusa ni ๐Š๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ sa kasaysayan.

Sa bawat manggagawang pinahihirapan, si Kristo ay muling ipinapako sa krus. Pinagtibay din ni Bishop Alminaza ang mahalagang papel ng mga unyon bilang tanda ng pagkakapatiran at pagkakaisa, at hinamon ang mga institusyon ng Simbahan na manguna sa mabuting halimbawaโ€”sa pagbibigay ng makatarungang sahod at maayos na kalagayan sa paggawa sa loob mismo ng mga paaralan, ospital, at tanggapan ng Simbahan.

Dumalo Ang lider at kasapi ng Kilusang Mayo Uno, Bukluran Ng mga Manggagawang Pilipino, NCL, FFW at iba pang independent union. Atty. Luke Espiritu, Chairman ng Bukluran ng mga Manggagawang Pilipino

Ang Simbahan ay hindi dapat maging tagamasid lamang, kundi isang Ina na tumatayong kasama ng Kanyang mga anak sa oras ng pagsubok.

Bilang tugon sa mga sugat ng lipunan, iminungkahi niya ang pagsasabuhay ng ๐‡๐š๐ฒ๐ฎ๐ฆ๐š ๐Ÿ๐ซ๐š๐ฆ๐ž๐ฐ๐จ๐ซ๐ค, isang konseptong Bisaya na nagpapahayag ng sama-samang proseso ng pagpapagaling at pagpapanumbalik ng nasiraโ€”sa tao, sa komunidad, at sa ugnayan sa kalikasan.

Ang ๐‡๐š๐ฒ๐ฎ๐ฆ๐š ay panawagan sa kolektibong pananagutan upang paghilumin ang mga bitak na nilikha ng mga di-makatarungang sistema.

Sa bawat manggagawang inaapi, patuloy na bumubulong si ๐Š๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ: โ€œ๐Œ๐ข๐ง๐š๐ก๐š๐ฅ ๐Š๐ข๐ญ๐š.โ€ At sa bawat Kristiyanong nalilito at natatangay ng panlilinlang ng makasariling interes ng iilan, marahang nagtatanong ang Panginoon: โ€œKanino ka papanig?โ€

Nawa’y manatiling liwanag ang wagas na pag-ibig ni ๐‡๐ž๐ฌ๐ฎ๐ค๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ upang gabayan ang ating budhi sa gitna ng kalituhan, at palakasin ang ating loob sa pagtatanggol sa dangal ng paggawa at sa pagtataguyod ng katarungan para sa lahat.